“Wika at Kalikasan, Kalikasan at Wika”


Wikang pinahahalagahan
Kalikasang inaalagaan
Mahahalagang bagay na nalilimutan
O ‘di kaya’y sadyang kinakalimutan

Kay sarap pakinggan
Kay gandang pagmasadan
Ngunit ‘pag pinabayaan,
Mawawala na lang ng biglaan

Ang panaho’y mabilis lumipas
Sa pagbabago’y di makaiwas
Huwag sanang kalimutan
Pangangalagang kailangan

‘Pag wika’t kalikasa’y napabayaan
Tayo rin ang higit na mahihirapan.
‘Pag wika’t kalikasa’y inalagaan,
Tayo rin ang higit na makikinabang.

Share this:

JOIN CONVERSATION

    Blogger Comment

0 comments:

Post a Comment