He's Beautiful (A Kdrama inspired poem)

(A/N: This is a poem I wrote after I finished watching the Korean Drama "To The Beautiful You" starring Park Shin Hye and Jang Geun Suk. The first and third stanzas are thoughts of Go Mi Nam, second and fourth stanza are thoughts of Hwang Tae Kyong. The last stanza is for both.)

Pa’no sasabihin ang nadarama?
Kung katauha’y kinakaila
Tingin sa akin ay iba
Ngunit ika’y minamahal na

Damdamin ko ay ikinakatwa
Dahil ayaw sa’yo noong una
Tayong dalawa’y magkaiba
Ngunit ika’y minamahal na

Hindi mapansing pagtingin
Hindi mapigilang damdamin
Kailan matututunang ibigin?
Kailan makakayang mahalin?

Hindi mapansing pagpapahalaga
Hindi mapigilang paghanga
Kailan aamin sa nadarama?
Kailan sasabihing “Mahal Kita”?

Pag-ibig ba’y may patutunguhan?
Ano ang magiging katapusan?
Mga tanong sa aking isipan,
Bigyan mo sana ng kasagutan.




Share this:

JOIN CONVERSATION

    Blogger Comment

0 comments:

Post a Comment