"Paano magmahal muli?"

 "sa pakikinig ng mga kanta,
sabayan pa ng pagka-makata,
ako'y nakalikha ng tula
na maibigan mo sana"

NP (now playing) : "Way back into love" unang inawit ni Hugh Grant at Haley Bennett mula sa pelikulang "Music and Lyrics"

Pa'no magmamahal muli?
kung ang puso'y nasaktan noong huli.
Pa'no magmamahal muli?
kung hindi pa handa ang sarili.

Sa mga panahong nagdaan,
Puso'y nanatiling walang laman
Maliban sa sakit na dulot ng nakaraan
At isang kahapong kay hirap malimutan.

Pangarap na umibig at ibigin
Ay pinilit 'wag munang isipin
Dahil sarili'y kailangang hanapin
Nang ang iba'y matutunan akong tanggapin

Mga bituin'y aking tiningala
Nagbaka-sakaling makakita ng hiwaga
Kaya't puso'y nagtanong at umasa
Nasa'n ang sa aki'y nakatadhana

Kung saan-saan na naghanap
Kasaguta'y sadyang kay ilap
Magmahal muli ay ganoon ba kahirap?
Magmahal at mahalin ba'y isa na lang pangarap?

May mga sandaling sarili'y 'di maintindihan
At puso't isipa'y naguguluhan
Tunay na nga ba ang nararamdaman
Dahil ito ay ayaw ng pakawalan

Kung ang puso'y handa na muling buksan?
Sana'y 'wag na ulit masaktan
Magmahal ay muling susubukan
Sana ito'y walang hangganan

Pa'no magmamahal muli?
Ikaw lang ang nais maging sanhi
Dahil nararamdama'y ayaw ng ikubli
Tanggap sa sarili, ikaw lang ang nais mahalin muli.

Share this:

JOIN CONVERSATION

    Blogger Comment

0 comments:

Post a Comment