"Pagbabago"

Simula na ng pagbabago

Na sana'y magkatotoo
Mga binitiwang pangako
Sana'y huwag mapako.

Tiwalang pinagkatiwala
Boto sa'yo ipinaubaya
Mamamayan ay umaasa
Kapangyariha'y gamitin sana sa tama

Huwag sanang tumulad sa iba
Naging bingi't bulag sa masa
Tunay nilang nadarama
Sinadyang ibalewala.

Anim na taong susubukan
Sa abot ng makakaya'y tutulungan
Paunlarin ang sintang bayan
At di mawalan ng pag-asa.

Pangako mo lamang ay tuparin
kinabukasa'y pagsisiskapan din
Dahil mahal namin ang Pilipinas
Sa isip, Sa salita at Sa gawa.

Share this:

JOIN CONVERSATION

    Blogger Comment

0 comments:

Post a Comment