Breakaway


"sa pakikinig ng mga kanta,
sabayan pa ng pagka-makata,
ako'y nakalikha ng tula
na maibigan mo sana"

Sa muling pagluha ng kalangitan
Labas ng bintana ang sinulyapan
Munting pangarap'y nabuo sa isipan
Imahinasyon ko ang aking kaharian

Tinig ay nais mapansin
Ngunit 'di nila kayang intindihin
Sa mundong ito'y nais tanggapin
Ngunit sarili, dito'y di kayang hanapin

Kaya't tanging nagawa'y magdasal
At humiling sa may kapal
Na dinggin ang tulad kong hangal
Na humihingi ng munting parangal

Pinakanais ay makalipad
Hanggang langit ay maabot ng palad
Lakas ng loob ay isasagad
Susubukang makuha ang hinahangad

Unti-unting lalabas sa kadiliman
Liwanag ang aking patutunguhan
Mga taong nagturo ng pagmamahalan
Kailanma'y di ko malilimutan

Kaya't gagawin ang lahat
Nang makuha, tagumpay na hangad
At sarili'y tuluyang mahagilap
Nang sa mundo, ako'y matanggap

Nais ko lang ay makalipad
Hanggang langit ay maabot ng palad
Lakas ng loob ay isasagad
Nang ang pangarap ko'y matupad


(Ang tulang ito ay isinulat ng may akda para sa isang asignatura sa kolehiyo.)

Share this:

JOIN CONVERSATION

    Blogger Comment

0 comments:

Post a Comment